Eto na siguro ang pinakahihintay ng mga estudyante. Ang dalawang buwang bakasyon. Pagtapos ng sampung buwang paghihirap sa eskwelahan, ay mararanasan na muli ang paghinga ng malalim. Ang dalawang buwang bakasyon ay kulang pang pahinga para sa aming kabataan. Dahil sa darating na bakasyon. Ay madaming balak ang nakakarami. Tulad na lang ng mga Outings, Review at marami pang iba. Madami akong balak sa darating na bakasyon. Gusto kong maranasan ang pagttrabaho sa ganitong edad. Para ako'y masanay na at matuto. Binabalak ko din na pumunta pansamantala sa Italy kung na saan ang iba kong kamag-anak. Para naman ma-experience kong sumakay at eroplano at pumunta ng ibang bansa. Gusto ko ding dumiretso sa Hongkong Disneyland. Para naman ma-enjoy ko lalo ang aking bakasyon at maramdaman muli ang panahon ng aking pagkabata. At ang pinakagusto ko talaga ay makapunta sa Paris at makita ang Eiffel Tower na aking pinapangarap simula pa ng aking pagkabata. Ngayong bakasyon gusto ko ring matuto tumugtog ng mga Musical Instruments. Tulad na lang ng Gitara, Drums at Violin. At gusto ko naring mas lalong gumaling sa pagtugtog ng Piano.
Subscribe to:
Posts (Atom)